10th December, 2009

2010 Presidentiables Backgroung Check

posted 2 years ago

NOYNOY AQUINO
Born: Feb 08, 1960 
Birth name: Noynoy Aquino III
Nationality: Filipino
Political Party: Liberal Party
Current Profession: Senator
Religion: Catholic
Educational Attainment: College graduate; Major in Economics on Ateneo de Manila University.


About him:

“Democracy restored must be enshrined without fear but with greatest fervor.” (Aquino, 2009). He has a platforn of “Bantay Demokrasya: Dugong Bayani: Pusong Bayani,”. He wants to continue the legacy of his parents, former Sen. Ninoy Aquino and former Pres. Cory Aquino. In 2004, he joined Liberal Party in calling for the resignation of Pres. Gloria Macapagal-Arroyo because of the “Hello Garci” scandal. Noynoy became the Congressman of the 2nd district of Tarlac from 1998-2007 and is now serving the Filipinos as one of the noble senators of present times. One remarkable and notably deed Noynoy has done was his fight against the military coup who were against the administration of her mother, former Pres. Cory Aquino. On his fight, his 3 body guards died while he suffered 5 bullets on his body.


Biliography

http://noynoy-aquino.politicalarena.com/
http://www.senate.gov.ph/senators/sen_bio/aquino_noynoy_bio.asp
http://www.noynoy.ph/



MANNY VILLAR
Born: Dec 13, 1949
Birth Name: Manny Villar
Nationality: Filipino
Political Party: Nacionalista Party
Current Profession: Senator
Religion: Roman Catholic
Educational Attainment:


About him:

“I learned from my mother what it takes to be an entrepreneur, And it means working really hard to achieve your dreams.” He was a boy who was born in Moriones, Tondo. He used to work in Divisoria where he earned his title “Mr. Sipag at Tiyaga”. Manny Villar was working student at the University of the Philippines where he obtained his undergraduate and master’s degree in Business Administration and Accountancy. He was a model of proving to the youth that poverty is not a hindrance to be successful. y the year 1992, Manny Villar won with the most overwhelming mandate among congressman in Metro Manila. He applied his economic and managerial expertise here. Few projects he has done during his reign was the Alabang-Zapote Road Flyover. He introduced this “Friendship routes” for more convenience. He also succeeded in passing Republic Act 8003, “Declaring certain areas in Las Pinas as Tourist Spots. He also initiated the privately funded tree planting in his district. He also organized “Manpower on Wheels” Program, a training school which is conducted in a van that rounds along depressed areas. This program produced 5,000 graduates.

On his first term, he steered Las Pinas and Muntinlupa to cityhood. He also opened two major roads: Sucat-Pulanglupa Road, and the Zapote-Molino Road. On his second term, he widened the Las Pinas General hospital and upgraded the facilities of the hospital.


Bibliography:

http://www.mannyvillar.com.ph/theman.php
http://manny-villar.politicalarena.com/



JAMBY MADRIGAL
Born: April 26, 1958
Birth Name: Jamby Madrigal
Nationality: Filipino
Political Party: Genuine Opposition
Current Profession: Senator
Religion: Roman Catholic
Educational Attainment:


About her:

“I do this not out of personal ambition but out of the dictates of conscience. As history has proven again and again, the safe and easy way is not always the right way. I must do justice to the martyrdom of my grandfather, Jose Abad Santos.” This was her statement when she was asked why she filed her candidacy for presidency. She cam from a family of pulic servants. Even before she became a senator, she had ways of helping Filipino people. The Books-for-the-Barangay Foundation , Inc. has shipped more than 2.5M worth of books in public elementary and high schools. She has filed bills that response to the needs of women and youth in terms of education, juvenile justice, gender equality, and women empowerment. She is determoined in pushing through the anti-trafficking and anti-pornography measures to protect children and women. She has filed bills for protection of indigenous people and their ancestral domains. She has also filed bills that would advance the protection of the environment and prevention of environmental exploitation.


Bibliography:

http://www.jambymadrigal.com/about_jamby.htm
http://www.senate.gov.ph/senators/sen_bio/madrigal_bio.asp
http://jamby-madrigal.politicalarena.com/

Sen. Noynoy Aquino (September 23, 2009)

posted 2 years ago

Anak ni dating Pang. Corazon Aquino at dating Sen. Ninoy Aquino. tatakbo sa pagka-presidente sa eleksyon sa 2010. siya ang naguna sa pinakahuling survey sa pagkapresidente.natalo nya sin Sen. Manny Villar na dating nanguna sa survey. alam nating napakalaki ng ibinahagi ng kanyang mga magulang sa kasaysayan ng pilipinas lalo na sa pagbibigay ng pag-asa sa pagkakamit muli ng demokrasya noong panahon ng Martial Law. ngunit, siya, bilang si sen. noynoy aquino, anu-ano na ba ang mga nagawa nyang proyekto para sa pilipinas? hindi kaya nadadala lamang sya ng kanyang pagka-Aquino kung kaya’t sya ang gusto ng nakararaming Pilipino? siguro dapat ay pag-isipang mabuti kung ano ang tunay na aspeto na dapat isaalang-ala sa pagboto.

Eleksyon 2010

posted 2 years ago

bilang isang kabataan, ano nga ba ang magagawa natin para sa nalalapit na eleksyon? rason ba na hindi ka pa rehistrado o hindi ka pa pwedeng bumoto para ipagpasawalang bahala na lang ang eleksyon? bilang isang mag-aaral, higit na tayo ang nakakaalam sa mga tunay na nangyayari sa ating kapaligiran, lalo na sa ating gobyerno. tayo ang nakakapag-aral, nakakaalam, at nakakasaksi sa tunay na nangyayari sa ating bansa. mas makikilatis at mas maaanalisa natin kung anu-ano ang mga bagay na dapat bigyang pansin. dahil, tayo ang nakararanas nito. ayon sa kasabihan, ang isang boto ay napakahalaga para mabago ang kinabukasan natin. mayroong nakapagsabi sa akin na hindi naman talaga mababago ng iisang boto lamang ang ating kinabukasan. dahil nga, iisa lamang ito. ang mabuting gawin ay ipakita o ipresenta sa mga botante ang iba’t-ibang kakayahan o adhikain ng bawat pulitiko nang sa gayon ay higit na makilala sila ng taong bayan. hindi sapat na bumoto lang ang isang tao, dapat ay impluwensyahan nila ang ibang tao na iboto ang tamang tao para sa tamang posisyon. dapat ay ibahagi nila ang kanilang mga kaalaman sa mga botante nang sagayon ay matulungan sila sa pagpili ng tamang taong iluluklok sa posisyon.

Isang magandang simula? (September 18, 2009)

posted 2 years ago

ilang taon na ang nakararaan nang magsimulang paghandaan ni Senador Manuel Roxas ang kanyang kandidatura para sa darating na eleksyon sa Mayo ng 2010. Labis-labis na paghahanda, matagal na panahon ng preperasyon, milyong-milyong pera na ang inubos at ginasta.

kamakailan lamang din, ika-una ng Agosto taong 2009, pumanaw ang kauna-unahang babaeng presidente ng Pilipinas, ang babaeng nagbigay sa atin ng demokrasya at ng pag-asa, si Pang. Corazon Aquino. Alinsunod dito, sabang isinasagawa ang libing ni Pang. Cory, naging kapansin ansin ang mga plaka na may nakasulat na “Noynoy for Prsident”. Marahil ang rason dito ay dahil nais n mga Pilipino na ipagpatuloy ni Noynoy ang sinimulan ng kanyang mga magulang.

Dahil sa kaganapang ito, binigla ni Sen Mar Roxas ang buong Pilipinas ng ihayag nya ang kanyang pag-atras sa kanyang pagtakbo para sa pagka-presidente. At kasabay nito, ay ang pagdeklara nya ng pagsuporta para sa kapartidong si Noynoy. Isinakripisyo niya ang lahat ng kanyang preparasyon, pangarap, at paghihirap para magbigay daan sa ninanais ng sambayanang Pilipino.

Ito na ba ang simula ng pagkakaisa ng bansa? O isa lamang ito sa mga paraan ni Sen. Roxas para mapabango ang kanyang pangalan para sa kanyang mga planoo balak sa darating pang panahon? Hakbang lamang nya ba ito upang makuha ang simpatya ng mga Pilipino para sa kanyang minmithing pagkapanalo sa susunod na eleksyon?

Para sa mga Aktibista (August 04, 2009)

posted 2 years ago

Ano nga ba ang tunay na dahilan bakit nagkakaroon ng rally? Madaling sagutin yan! “Kasi gusto namin ng pagbabago.” “Kasi hindi sila karapat-dapat sa kanilang pwesto.” “Kasi hindi sila nakakatulong.” “Kasi hindi na tama ang ginagawa nila.” At ang pinakamalimit na dahilan, “Kasi kurakot sila.”

Una sa lahat, mukang napakahirap naman na makakita ng Pilipino na maluluklok sa posisyon na pagkapangulo (isang halimbawa), na hindi gagawa ng mali. Siguro, merong mga iilang taong nananatiling ma-prinsipyo ngunit napakadalang nang makakilala ng taong ganoon. Kahit naman siguro ang mga aktibista ngayon na rally ng rally ng rally, kung sila na ang maluluklok sa isang bigating posisyon, kasabay ng napakahirap na temptasyong kasama nito, imposible atang ni isang kusing ay wala silang kukunin mula sa gobyerno para sa sariling kapakanan.

Pero bakit nga ba sila nagrarally?

Sa panahon ngayon (2009), nagrarally ang mga anti-Gloria sapagkat siya raw ay mandaraya, mandarambong, kurakot, at kung anu-ano pa. At ngayon, ayon sa pinakahuling survey nitong Hulyo 2009, pumapangalkawa ang dating Pangulong Estrada sa pinakamaraming bilang ng boto. Bakit? Isang dahilan dito ay sapagkat ayaw nila kay Pangulong Arroyo, kung kaya’t doon sila papanig sa kalaban ng pangulo. Ngunit kung iisipin naman natin, kahit sinong iluklok na pagkapresidente o kahit anu pa mang posisyon, may mag-rarally at magrarally pa din. Kahit pa si Marcos, Aquino, Ramos o kahit sino pa man, may aayaw at aayaw pa din. Ipagpalagay na nating masunod ang kagustuhan ng mga taong nagrarally o nagsisipagwelga, malamang may mga tao ding hindi pabor sa mga kagustuhang ito. At sila naman ang magrarally. Imposibleng ang buong pilipinas ay iisa lang ang gusto. Imposibleng iisa lang ang tumatakbo sa isipan ng bawat Pilipino. Mayroong may ayaw nito at gusto iyon. At may mga tao ring ayaw non at gusto ito. Kung ang kagustuhan ng bawat tao ay idadaan sa rally para matupad, lahat ng Pilipino ay magrarally na. Ang lahat ng Pilipino ay idadaan na lamang ang lahat sa rally para madaig ang administrasyon. Samakatuwid, hindi lahat ng hinaing madadaan sa rally, sa pagaalsa. Oo nga at may karapatan tayo, pero sana alalahanin nating gamitin ito sa tamang paraan.

Hindi lahat ay makaadministrasyon. Hindi lahat ay makaoposisyon. Siguro kailangan nating mag-“meet halfway” sa pamahalaan. Para walang matatalo, walang mananalo. Walang madadaig at walang mandadaig. Walang aabuso, at walang aabusuhin.

Corazon Aquino - 1986

posted 2 years ago

“Tama na! Sobra na! Palitan na!” Ito ang naging islogan ng oposisyon laban kay Pang, Ferdinand Marcos. Labis labis na paghihirap ang dinanas ng mga Pilipino sa ilalim ng kanyang pamamahala. At napagkasunduan ng mga lider ng oposisyon na ito na labanan si Marcos sa eleksyon. Lahat sila ay nais labanan si Marcos sa Snap Election na gaganapin. Ngunit, naisip nila na kung lahat sila ay lalaban kay Marcos, mahahati lamang ang boto at maari pang manalo si Marcos. Kung kaya’t umiisip sila ng maaring lumaban kay Marcos na lahat sila ay papabor. At naisip nga nila si Corazon Aquino, ang balo ni Benigno Aquino. At nanalo nga si Cory Aquino laban kay Ferdinand Marcos. Dito nakamit muli ng Pilipinas ang demokrasya. Ang demokrasyang inaasam nila. At tinaguriang ina ng demokrasya si Pang. Corazon Aquino. Sa kanyang pamamahala, madami ang naging pagsubok. Madaming mga kalamidad ang naganap. Ang lindol na pumatay sa maraming Pilipino. Ang pitong kudeta na nagtangkang patalsikin si Cory Aquinosa kanyang puwesto. Ngunit sa kabila nito, pinakita nya ang kanyang katatagan at lakas. Hindi sya nagpatinag at matapang na hinarap lahat ng ito.

Charter Change (July 25, 2009)

posted 2 years ago

Charter Change, also known as the ‘Cha-Cha’ is all about the amending or revising the current 1987 Constitution of the Philippines. Under this constitution are the three modes that could be amended. These are the people’s initiative, the constituent assembly and the constitutional convention. These three would lead to the revision that has to be approved by the most number of Filipinos.

- author. credits to wikipedia.org

9th July, 2009

mhel vale cruz

mhel vale cruz


 

Copyright © 2009 FOR THE FILIPINOS All rights reserved.
TumbleDesk Theme by Dave & Laptop Geek.